Nasaan ang ating tahanan?
Dito sa piling n'yo lamang,
Wala 'to sa bahay na bato,
o kaya'y malaking palasyo.
Dito kayo sa aking tabi,
mga minamahal kong iwi,
kayo'y aking papangkuhin,
hihinga lang ako ng malalim.
Ano ang halaga ng buhay,
diba kayo?, tangan ang kamay.
Kapaguran walang saysay,
basta kasamang naglalakbay.
Halika na't huwag mangamba,
papalaot tayong masaya.
Gagayak tayong papalayo,
pangarap walang maglalaho.
Ito ay mga tula na isinulat sa ibat-ibang pagkakataon. Mga hinulmang salita upang malarawan ang mga emosyon. Pilit man sa bigkas o pandinig sana ikaw ay mapa-ibig.
Sunday, 16 February 2014
Thursday, 13 February 2014
Ganid
Ano ang sapat,
sa ating lahat?
Laging may kulang,
walang hangganan
Mahabang tali,
sa ati'y maikli.
Ubos ang oras,
buhay ay kupas.
Anong ligayang,
mahahanap pa?
kung naiisip,
ay laging kudlit
Ngiti ay kapos
kung walang kalos.
Laging tuldukan
ang kayamanan.
sa ating lahat?
Laging may kulang,
walang hangganan
Mahabang tali,
sa ati'y maikli.
Ubos ang oras,
buhay ay kupas.
Anong ligayang,
mahahanap pa?
kung naiisip,
ay laging kudlit
Ngiti ay kapos
kung walang kalos.
Laging tuldukan
ang kayamanan.
Sunday, 2 February 2014
Birthday
Sa aking kaarawan ako’y nanalangin.
Nawa ang pamilya namin lalong pagpalain
Kapayapaan sa puso, maging mapagkalinga
Mapagbigay at maglingkod sa kapwa,
Sa araw na ito ang aking pagsilang,
Matupad ko sana
mga pangarap nila
Maging mapagmahal sa Diyos at sa Kapwa.
Panalangin ni Ama’t
Ina, noong akoy bata pa.
Sa araw na ito nadagdagan ang taon,
Bilang ng daliri ay kulang sa ginugol na panahon
Palad ko naway maging laging bukas
At huwag laging mangamba
sa darating na bukas
Sa pagsibol ng umaga, ay pasasalamat.
Panibagong hamon lakas ipang tatapat
Uban ay nadagdagan, lalong humusay
Mga oras at lakas sa halaga ilulustay.
Subscribe to:
Comments (Atom)

