Friday, 12 February 2016

Paru-Parong Ligaw

May isang paru-parong ligaw,
Sa daan ay pasayaw sayaw,
Minamasdan saan dadampi,
Bulaklak walang pinipili,

Paru-paro umaawit ka?
Parang may indak iyong galaw,
Ihip ng hangin di mo pansin,
paroon ka lang kung sa'n dalhin.

Parang may yabang ang iyong tindig,
Ito ba  ay sadya mong himig,
o nais mo'y akoy tumitig?
lalayo pag ako'y lumapit

Paru-paro saan patungo?
damit mo nga ay bagong bago,
sa mata'y kay halihalina,
ang dalaga'y nabihag mo ba?

Paru-paro ito'ng nais ko,
pag-indak mo't pagtikimtikim,
'wag limuting magtabi sa akin,
bubuyog ako na insekto rin.