Wednesday, 17 June 2020

Condo Kalabasa

Ako ay umusbong sa matabang lupa,
Nagkamalay at ika'y tinitingala,



















Ulan at init nagpatibay ng sanga,
Nais lumipad para 'kay mapahanga.



















Ngunit napa-isip at nagbago lahat,
Ang mga dahon ko'y hindi pala pakpak,


















Kaya sa balag na lang ako'y kakapit!
Hangang mamunga at ika'y mapa-ibig.


Thursday, 7 May 2020

Hanapin sa Dibdib

Kay dilim, anong liwanag ang susundan?
Kaliwa, kanan,duon sa kalawakan.
Tumakbo, maglayag,lumakad, lumipad,
Pumikit manalangin, puso'y pakinggan.