Thursday, 15 December 2022

Pamana

 Sa 'king pagpanaw gusto kong ipamana,

mga halaman at punong namumunga,

sariwang hangin at ibong umaawit,

handog sa inyo't hangang sa batang paslit


Kung ako'y lilisan at mamatay,

ayokong mag iwan ng magandang bahay,

nais kong magbigay ng ala ala,

masaya o malungkot nung tayo'y samasama.


Sa pagpikit ng mga mata'y madilim.

gabi sating parang, tala ay may ningning,

Himig ng mga kulisap mangungusap,

lamig, dalisay ng hangin masasagap.