Wednesday, 30 December 2015

Mahal Kita Nanay

Ako'y lilipad sa langit aakyat,
Ikukuha kita ng mga bulaklak,
Duon sa mga bituin, na aking susungkitin
Igagawa kita ng kuwintas at singsing
At sa iyo ko iaalay, kasabay ng wikang
"Mahal Kita Nanay"

Wednesday, 3 June 2015

Punong Mangga

Hangi'y umiihip,sanga'y sumasayaw..
Mga prutas na lumalaglag,dakma na kaagad..
Bata't matanda nagkaisa; pamumulot ng mga bunga.
Panahon ng Mayo'y abang, Manggang hinog naglalakpakan.

Sa gabi ay nangingilaw; mga paniki'y nag lalabasan,
Pagdapo sa mga bunga,mangga'y bibitaw.
Sinag ng lampara sa laglag na mangga..
Tamis ang ulam, bukas ng umaga.

Mangga ay kay asim kapag luntian
Masarap isawsaw sa bagoong na alamang,
Kapag naninilaw mangga'y kaya tamis..
Tutong na kanin ang kapares. 

Monday, 23 February 2015

No Pain No Gain

Pasakit na dinadanas
Ay sya ring nagpapalakas
Sugat at paltos
Kakapal and balat pagkatapos.
Kapag ikaw ay hubog na,
mas gagaling kapa sa iba
hirap na taglay ngayon
bukas ay babangon
huwag magmadali
ngunit hwag sayangin ang sandali
ikaw ay lalakas
kung hirap ay madadanas