Wednesday, 3 June 2015

Punong Mangga

Hangi'y umiihip,sanga'y sumasayaw..
Mga prutas na lumalaglag,dakma na kaagad..
Bata't matanda nagkaisa; pamumulot ng mga bunga.
Panahon ng Mayo'y abang, Manggang hinog naglalakpakan.

Sa gabi ay nangingilaw; mga paniki'y nag lalabasan,
Pagdapo sa mga bunga,mangga'y bibitaw.
Sinag ng lampara sa laglag na mangga..
Tamis ang ulam, bukas ng umaga.

Mangga ay kay asim kapag luntian
Masarap isawsaw sa bagoong na alamang,
Kapag naninilaw mangga'y kaya tamis..
Tutong na kanin ang kapares. 

No comments:

Post a Comment